Friday, March 17, 2006

feeling OFW

nagegets ko na ang mga nararamdaman ng mga OFW sa ibang bansa. kung bakit ang tamis ng bawat tungtong sa lupang sinilangan at kay pait ng bawat alis.

wala talagang kapantay ang buhay sa atin. nafIfeel ko na rin kung gaano kahirap ang mabuhay sa ibang bansa. kung gaano kahirap ang mawalay sa pamilya na hindi mo alam kung kelan mo ulit makikita. nakakaloka, nakakapagpakapit sa patalim.

mayroon ng higit isang taon ako dito sa switzerland na hindi na kakauwi sa pinas. pero meron pang mas malala sa akin, mayroon dyang limang taon, sampung taon, maging dalawampu't limang taon ng hindi nakakauwi sa atin para lang makatulong sa pamilya.

ang iba, mga ina na hindi na naaruga ang mga anak. iba naman, nalipasan na ng pag-ibig at iniwanan na ng mga kabiyak. maraming lalaking nangulila at nagkaroon ng pangalawang asawa dito.

ang hirap ng hindi mo alam kung kelan ka ulit makakauwi. kung hanggang kelan mo matitiis ang pag-iisa, ang pangungulila sa pamilya, ang pag-lilinis ng bahay na hindi naman sa iyo.

bakit nga ba? para kanino? hanggang kelan?

Walang kasiguraduhan.

Kaya naman parang piyesta ang bawat uwi ng isang ofw. Kasi hindi na alam kung kelan pa ulit makakabalik sa lupang tinubuan.

2 comments:

ria said...

may sad story pa ako. may isang pinoy dito na 18 yrs siyang hindi umuwi sa pinas kasi TNT na. nagtatrabaho at nagpapadala sa pamilya para sa pamilya. abo na siyang iuuwi =(

Wanderer Lady said...

ria, omg. hindi ko talaga magets minsan. love ba yan o talagang may messianic complex ang ibang tao. grabeh. may nameet ako sa church noong isang araw. lola na sya, sya pa ang nagpapa-aral sa mga apo nya. kelan na titigil ang cycle? unless may sarili na ring buhay ang mga taga nihon doon na rin sila nag-settle. pero paano yung may naiwang mga pamilya diba? hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis sa sitwasyon.

jonnah,

dapat saluduhan ang mga single moms! my mom is also an example. pero di ko maiwasan, nagalit din ako noon sa nanay ko. tanong ko, "mas mahal mo ba ang pera sa amin?" bata pa ako noong tinanong ko yun, di ko naintindihan pero masakit din ang mawalay ang isang ina sa kanyang mga anak. grabeng sakripisyo, grabeng pagmamahal. iba talaga ang nagagawa ng love. mapagsakripisyo talaga sya. mabuhay ang mga ofws!